𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐔𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐅𝐑𝐄𝐒𝐇𝐌𝐄𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐊, 𝐃𝐈𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐎𝐍𝐎𝐎𝐃

Dinagsa ng mga manonood, na mag-aaral ng MSU-Maguindanao mula sa iba’t ibang kolehiyo at departamento, ang produksyong hinanda ng Sining K bilang pagsalubong sa mga freshmen ng taong panuruan 2024-2025, pasado ala-una kaninang hapon sa Audio Visual Room (AVR) ng College of Arts and Science (CAS).

Ayon kay Sir Jihad Pelmin, direktor ng Sining K, hindi aniya nila inasahan ang ganoong kadami ng mga manonood.

Samantala, samu’t saring reaksyon naman ang naramdaman ng mga manonood mula sa dalawang produksyon na kanilang napanood.

Sa panayam kasama ang isa sa mga manonood mula sa junior high school department, kinilig at nasaktan raw siya matapos mapanood ang produksyong ‘Sa Dati Nating Tagpuan’.

Pinuri naman ng isang manonood mula sa College of Public Affairs and Governance (CPAG) at isa ring freshman ang husay at galing sa pag-arte ng mga aktor partikular na sa produksyon ng Cui Bono. Pinakahinangaan niya rin dito si Abdul Fahad Baraguir na gumanap bilang si Vince.

Pasasalamat ang hatid ng Sining K sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga manonood sa teatro.

✍️: Bai Sittieaminah S. Lauban
📷: Emelthon M. Mabang
🎨: Esmail A. Simpal